minsan naisip ko, ano kayang kalagayan ng mundo kung lahat tayo'y mamumuhay ayon sa pamamaraan ng mga katutubo. pamumuhay na simple, buhay na payak. yung tipong lahat ng tao ay kontento, masaya at wala masyadong iniisip. napakasarap siguro mamuhay sa ganoong paligid. wala kang trabaho sa opisinang iniisip. hindi mo problema ang kawalan ng pamasahe o kawalan ng trabaho o kawalan ng pang-sine. mga pagkain ay lahat laan ng kalikasan. bahay na pawid sapat na sa mag-anak. nakakaaliw sigurong isipin. marahil ang mga sinauna, tanging problema ay kung saan pu-pwesto matapos ang merienda. papalipas oras kasama ang tropa, palitan ng kwento o mga kuro-kuro, kwentong kabayo o kwentong ninuno. tanging bisyo ay uminom ng lambanog o lumagok ng tuba. humigop ng sabaw sabay hilik sa dampa. pagsapit ng umaga, mamano ang anak, hahagkan ang sinta. hithit ng tabako pares na kapeng barako. tilaok ng manok, pang gising ng diwa. ang sarap siguro mamuhay ng ganito. subalit naging masmatalino ang tao. umusad ng umusad at nagsimulang magbago. makabagong sibilisasyon, ang makinaryang ngbigay daan sa kabihasnan at modernisasyon. ang dambuhalang lumamon sa kultura at pamumuhay na sinauna. pamumuhay na payak, pamumuhay na sapat, pamumuhay na payapa. ano kayang itsura ng mundo kung lahat tayo'y mamuhay ayon sa pamamaraan ng katutubo? maganda siguro. maganda siguro.
No comments:
Post a Comment