naglalaba nakatanga brip na madungis nakakula nang bukas ay may magamit, sana umabot hanggang makalawa. naglalaba nagiisip nagkukusot nakatanga brip na madungis unti-unting umaayos na, di katulad ng isip na nananatiling may mantsa na sa bawat pagkusot lalo lang lumalala. masakit sa ulo lalo na kung pilit iisipin at sa bawat subok sa pagsisid ng mga sagot ay lalo lamang napapatunayan na sadyang malalim hanggang muntik malunod. tunay na may sagot na hindi lang basta-basta nakukuha at may tanong naman na mas mainam ay tanong na lamang at kung pilit mong aalamin mapipikon ka lang. dahil ibig mang arukin sadyang kusang mailap, ang sagot na hinahanap nakakubli sa mga ulap. tagu-taguan hanggang mahibang sa kakahanap ng sagot sa tanong na tila ba’y walang sagot, at kung meron man t’yak hindi mo malalaman. masmainam pa siguro kung pababayaan na lang at titigilan na ang pagisip at paghanap sa sagot. bumalik na lamang sa labahing pilit na kinukusot na ngayon ay malinis na, habang nakatanga, buti pa labahin ko di na gaya nung una na madungis. di tulad ng isip ko na sadya pa ring tuliro. kinusot piniga binalnawan na at lahat hindi pa rin nagbago ang estadong magulo.brip kong madungis sinampay ngayon malinis na subalit ang iniisip sinampay wala paring pinagiba–tuliro.
No comments:
Post a Comment