Friday, March 23, 2012

pumupusta, talo ka

October 4, 2008


sino kang waring bungo
namamasyal sa utak ko
ang yong tapik, anong lamig
hinihimas aking puso
tigilan mo pagngisi mo
hindi mo makukuha
ang yong hiling mabibigo
hinding hindi tatangis
kalungkutan
iyong tanging libangan
ngunit talo ka
gago ka
hinding hindi tatangis
di padadaig
bakit padadala
sa laro ng pighati
ako ay pupusta
talo ka
o aking prinsesa
nasan ka
naglalayag sa alon
ng kapanglawan
nagiisa
ihip ng taglamig
batid
dala’y sadyang
sidhing sakit
sa dinadanas
wag kang padadaig
ang kalungkutan
iwaglit
bungo ng kapalaran
ating lalabanan
handa ka na
sumama ka
sariwain
alaala
pawang masasaya
lintik na bungo
nasan ka
kami’y pumapalag
kumakasa
sayo’ng laro
kami’y pumupusta
talo ka

No comments:

Post a Comment