Friday, March 23, 2012

ika-limang kautusan

July 9, 2008

alagad ng kalis at kalasag makinig
magbigay pugay sa ika limang kautusan
ihanda and hukbo, mga kawal patikasin
magantabay sa hudyat ng pamimitagan
punong tiniente kalis ay ihugot
punong pulutong iyo nang pamunuan
buhat sa pahingang tikas iyong ihanda
pagdakila sa ikalimang utos iyong pasimulan
utos-parangal sa talupad ihiyaw
sabay pugay ng kalis sa punong pandangal
mga kawal at sandata isang dagling galaw
lahat nakasiyasat sa ulirang nagpagal
isang pag alang-alang sa ika-limang kautusan
pagsuway ng tahas sadyang paglapastangan
sa bawat pghamak dulot pighati
tangis ang hatid at matinding dalamhati
igalang at dakilain iyong ama’t ina
pagkilala sa pagsikap at kanilang pag-alala
marapat lamang na silay parangalan
ito ay pagpugay sa ika-limang kautusan

No comments:

Post a Comment