Friday, March 23, 2012

kastigo tulisan

September 24, 2008

mga matang nakakubli sa dilim nagmamasid
nagaabang sa kung sinong sinakluban ng kamalasan
ang kamangmangan ng iba sya naman ‘yong biyaya
lintik na mapagsamantala pumarehas ka
pinaghirapan ng iba, hahablutin bigla
salot
nararapat sayo sukdulang kastigo
basbas sa taas o tulak ng ‘yong demonyo
sa oras na magkamali’t maliyo
wala kang ligtas sa himagsik ng agrabiado
aserong tubo ihataw nang todo-todo
kamay na walang saysay bayuhin ng mautas
sabay ngisi’t hagikhik sayong hapding dinadanas
patalim na ‘yong kinapitan ngayon iyong hagkan
sabay subasub ng ‘yong mukha sa nakausling lanseta
ilan na nga bang nasindak sa iyong biglang dakma
at ilan na nga ba ang tinapos, mga pumalag sa yong gawa
batugang tulisan
marami rami na rin
iyong pagbayaran mga buhay na kinupit
buong pusong damhin hinay-hinay na pag-gilit
lasapin ang sakit na iginawad sa iba
iyong mga mata, ngmamakaawa
gago
walang silbi sa mundo
kung pumarehas ka lamang, tinigil panlalamang
wala ka sana sa estadong si Hudas mas santo
pusakal
bakas ng awa ay wala, sidhing kastigo’y nararapat
humimlay ka magpahinga, nang matapos pagdurusa
at kastigo sa impyerno agad masimulan na

No comments:

Post a Comment